-- Advertisements --
CDO Northern Mindanao medical center

CAGAYAN DE ORO CITY – Tatlong bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) infections ang naitala ng Department of Health (DoH) sa buong Northern Mindanao.

Ayon kay DoH-Northern Mindanao Regional Director Dr. Adriano Subaan naidagdag sa listahan ang 19-year-old female patient na taga Cagayan de Oro City.

Kabilang din dito ang male patient na taga Lanao del Norte, 67-anyos na nakakaranas ng kahirapan sa paghinga, pati na rin ang lagnat, ubo, sipon, at sakit sa katawan mula noong Abril 22.

Ang isa pang biktima ay 34-year-old na taga Ozamiz City na na-repatriate mula United Arab Emirates (UAE).

Sa ngayon, walo sa 21 na confirmed cases nang rehiyon ang nakarekober matapos mag-negatibo sa virus sa ginawang testing.

Nananatili naman na nasa pito ang namatay sa virus sa rehiyon at anim ang outpatients dahil hindi sila nagpakita ng anumang mga sintomas.