-- Advertisements --
image 122

Nakatakdang makipagkita ang pinuno ng North Korea na si Kim Jong Un kay Russian President Vladimir Putin sa Russia upang talakayin ang pagbibigay ng armas sa Moscow para sa digmaan nito sa Ukraine.

Itinutulak kasi ng Ukraine ang isang highly-scrutinised counter-offensive sa timog at silangan ng Russia na itinuring ni Putin bilang isang kabiguan.

Ito ay kahit na ang Moscow ay sabik na agarang makakuha ng mas maraming military supply upang palakasin ang mga puwersa nito.

Ang tagapagsalita ng National Security Council (NSC) ng White House na si Adrienne Watson ay nagpahayag na ang mga negosasyon sa armas sa pagitan ng Russia ay aktibong lumalakas at tumatatag.

Aniya, mayroon umano silang impormasyon na inaasahan ni Kim Jong Un na magpapatuloy ang mga talakayang ito, upang isama ang diplomatikong pakikipag-ugnayan sa antas ng lider sa Russia.

Una nang nagbabala ang Estados Unidos noong nakaraang linggo na ang Russia ay nasa lihim na pakikipag-usap sa North Korea upang makakuha ng hanay ng mga munition at mga supply para sa pagsisikap ng digmaan ng Moscow.