-- Advertisements --

Pinuri ni North Korea leader Kim Jong un ang grupo ng kaniyang scientists dahil sa matagumpay na paglunsad nila ng spy satellite.

Tinawag ng North Korean lider na ito ay isang makabagong panahon ng kapangyarihan sa kalawakan.

Magugunitang nitong Martes ay naglunsad ang North Korea ng rocket na pinaniniwalaang mayroong spy satellites.

Iginiit nito na patuloy nila ng papalakasin
ang kanilang military.

Naniniwala ito na dahil sa nasabing satellite ay kaya na nilang labanan ang anumang banta mula sa iba’t-ibang mga bansa.