-- Advertisements --

Nagparehistro na ang North Korea sa paglahok sa Asian Games na gaganapin sa China.

Ang nasabing hakbang ay tuluyan ng pagbabalik ng North Korea sa mga international sports events matapos ang COVID-19 pandemic.

Magsisimula ang nasabing Asian Games mula Setyembre 23 hanggang Oktubre 8 sa Hangzhou, China.

Magugunitang umatras ang North Korea sa 2024 Olympic Games qualifying weightlifting competition sa Cuba noong nakaraang buwan.

Itinuturing ng China na ang Asian Games ngayong taon ay siyang pinakamalaking sporting events sa kanilang bansa.