-- Advertisements --
Nagpasa ang North Korea ng batas na nagdedeklara ng nuclear weapon state.
Ayon kay North Korea leader Kim Jong-Un na hindi na babago ang nasabing desisyon.
Kaniya na ring tinanggal ang tsansa na magkaroon pa ng mga pag-uusap ukol sa denuclearisation.
Nakasaad sa batas na mayroong karapatan ang kanilang bansa na gumamit ng nuclear missiles para maprotektahan ang kanilang sarili.
Mula 2006 hanggang 2017 ay nagsagawa ang nasabing bansa ng anim na nuclear test.