Nagpakawala ang North Korea sa pagkakataong ito ay isang suspected intercontinental ballistic missile (ICBM) ayon sa kumpirmasyon ng South Korea.
Isang araw matapos ang inilunsad ng mas maliit na missile at babala ng North korea sa mas matindi pang military rsponses sa pagpapalakas ng Amerika sa regional security presence nito.
Kinumpirma din ng Japan Coast Guard ang naturang aktibidad ng North Korea.
Ayon sa Defense ministry ng South Korea na ang ICBM ay ang longest-range weapon at idinisenyo na may kapasidad na mag-carry ng isang nuclear warhead na kayang umabot sa lokasyon sa continental United States.
Una rito, nagpakawala ang North korea ng isang short-range ballistic missile malapit sa South Korea kasunod ng trilateral summit ng US, South korea at Japan.