-- Advertisements --

Nagbabala ang North Korea na sila ay gaganti sa ginawang paglalagay ng US ng kanilang nuclear submarine sa South Korea.

Sinabi ni North Korea defense minister Kang Sun Nam na ang ginawa na ito ng US ay maaaring maabot na ang kondisyon para sa paggamit nila ng nuclear weapons.

Nitong nakaraang mga araw kasi ay ipinadala ng US sa South Korea ang kanilang submarine na mayroong nuclear-armed ballistic missiles.

Iginiit ni Kang na nakasaad sa kanilang batas na ang malinaw na ang pagdagdag ng mga inilalagay na strategic nuclear submarine at ibang asset sa South Korea ay nangangahulugan ng maaari na silang gumamit ng mga nuclear weapons.

Magugunitang lalong lumala ang tensiyon sa pagitan ng US at North Korea ng makailang beses na nagsagawa ng ballistic missile testing ang Pyongyang.