Ibinunyag ng South Korea ang muli na naman umanong pagsasagawa ng North Korea ng isang intercontinental ballistic missile test.
Ang nasabing aksyon ay kasunod lamang ng pagbabanta ng North Korea laban sa US dahil sa umanoy ginawa ng US na reconnaisance activity sa ilalim ng teritoryo nito.
Batay sa inilabas na ulat ng South Korea, posibleng isang road-mobile Hwasong-18 ICBM ang sinubukan ng NOKOR.
Ang nasabing uri ng missile ay isang solid-fuel missile at isa sa mga ipinagmamalaki ng NOKOR dahil sa mahirap umano itong matuntun, hindi katulad ng mga karaniwang liquid-fuel missile.
Batay pa sa impormasyong nakuha ng SOKOR, ang nasabing missile ay maaaring galing sa capital ng nasabing bansa at pinalipad sa layong 1,000 kilometro.
Ito ay tinatayang lumipad sa taas na 6,000 kilometro, bago tuluyang bumagsak sa karagatan sa pagitan ng Korean peninsula at bansang Japan.
Posible umanong pinalipad ang nabanggit na missile sa nasabing altitude, upang maiwasan ang katabi nitong mga bansa.
Tinawag naman ng South Korea ang missile launch bilang “grave provocation”, at tiniyak ang mas mahigpit pang pagbabantay.
Sa panig ng Japan, kinondena ni chief Japanese Cabinet Secretary Hirokazu Matsuno ang missile launch na ito ng NOKOR, na aniya’y banta sa kapayapaan at kaligtasan ng buong Japan, at nang buong rehiyon.
Maalalang una nang tinawag ni North Korean leader Kim Kung Un ang Huwasong 18 intercontinental ballistic missile bilang ‘most powerfull nuclear weapon’.