-- Advertisements --
Nagpalipad ng ballistic missile ang North Korea sa katubigan ng east coast ng Korean Peninsula.
Ayon sa coast guard ng Japan na ang projectile ay pinaniniwalaang ballistic missile na inilunsad ng North Korea at lumipad ng 1,000 kilometro.
Bumagsak ang nasabing missiles sa karagatan dakong 2:55 ng hapon oras sa Japan.
Nagtulong-tulong na ang South Korea, US at Japanese militaries para i-analisa ang detalye ng nasabing missile.