-- Advertisements --

Pinaniniwalaang bumagsak sa katubigang labas ng exclusive economic zone ng Japan ang pinakawalang ballistic missiles ng North Korea.

Ayon sa South Korea military na ipinalipad ng North Korea ang apat na short-range missile sa silangang karagatan nila.

Ito na ang pinakahuling pagpapalipad ng North Korea ng mga ballistic missiles kabilang ang Intercontinental Ballistic Missile (ICBM) noong nakaraang linggo.

Pinangangambahan kasi ng South Korea at ilang mga bansa ang posibleng pagsasagawa na ng testing ng North Korea ng kanilang nuclear weapons.