Muling nagpakawala ng “unidentified ballistic missile” ang North Korea sa karagatan sa may bahagi ng east coast.
Ito ang iniulat ngayong umaga ng South Korea’s militar at ang latest sa mga serye ng weapons tests ng North Korea.
“North Korea fired an unidentified ballistic missile(s) into the East Sea,” ayon kay Seoul’s Joint Chiefs of Staff.
Batay sa report dinoble pa ngayon ng Pyongyang ang pag-upgrade sa kanilang weapons program ngayong taon sa kabila ng kinakaharap na economic sanctions.
Una ng nagbabala ang US at South Korean officials kaugnay sa balak ng Pyongyang na magsagawa ng ika-pitong nuclear test.
Magugunita na nuong nakaraang buwan, nagpakawala ng tatlong missiles ang North Korea kabilang ang kanilang largest intercontinental ballistic missile, ang Hwasong-17.
Inilunsad ng Pyongyang ang missile test ilang araw matapos ang pag alis ni US President Joe Biden sa South Korea.
Nagtungo sa South Korea si Biden at nakipag pulong kay newly elected President Yoon Seok-youl.
Hindi naging hadlang ang COVID-19 outbreak sa North Korea, bagkus sinimulan pa nito ang construction ng long-dormant nuclear reactor batay sa nakuhang bagong satellite imagery.