-- Advertisements --
Ipinagmalaki ng North Korea ang matagumpay nilang underwater nuclear system test.
Ang nasabing hakbang aniya ay bilang kasagutan sa isinasagawang navy drills ng US, South Korea at Japan.
Gumamit ang North Korea ng underwater drone na may kakayahan na magdala ng nuclear weapon.
Isinagawa ang nasabing test sa east coast ng Korean Peninsula.
Tinawag naman ng South Korea ang ginawa na ito ng North Korea bilang “provocation”.
Sinabi ng South Korean defense ministry na ang hakbang ay isang pagbabanta sa katahimikan ng Korean Peninsula.
Magugunitang noong nakaraang araw din ay nagpakawala ang North Korea ng solid-fueled intermediate range ballistic missiles.