Umabot sa may maritime border ng North Korea at South korea na Northern Limit Line ang isang short -range ballistic missile na pinakawalan ng North Korea.
Nagbunsod ito ng takot sa mga residente malapit sa lugar sa may isla ng Ulleungdo para magtago sa bunkers.
Ito ang unang pagkakataon mula ng mahati ang korean peninsula mula ng magtapos ang Korean war noong taong 1953.
Inanunsiyo din ng North Korea na nagpaputok ito ng mahigot 10 missiles sa direksyong east at west.
Bunsod nito inihayag ni South Korean President Yoon Suk-yeol na ang isang territorial invasion ang pagpapaputok ng missile ng North Korea.
Nagpatawag din ang South korean President ng isang pagpupulong sa National Securoty Council at ipinag-utos ang isang mabilis at mahigpit na hakbang laban sa provocation ng North korea.
Kinumpirma din ng Japan na naglunsad ang North Korea ng missiles kung saan sinabi ni Prime Minister Fumio Kishida na plano nitong magpatawag ng isang national security meeting sa lalong madaling panahon.
Ang panibagong missile test firing ng North Korea ay kasunod ng isinasagawang largest joint air drills ng South Korea at Amerika na binansagang “Vigilant Storm” kung saan nasa daan-daang warplanes ang ginamit mula sa dalawang bansa.