-- Advertisements --
Nagpasya ang North Korea na kanilang ititigil na ang pagapdala ng lobo na may laman na mga basura sa South Korea.
Sinabi ni North Korea’s vice-defense minister Kim Kang Il na pansamantala silang ititigiil ang nasabing pagpapadala matapos na nakapagpadala na sila ng 15 tonelada.
Depensa nito na ang ginawa nila ay isang pagsagot lamang sa ginagawa ng South Korea na nagpapalipad ng balloon na naglalaman ng mga anti-North Korea leaflets.
Magugunitang ikinabahala ng South Korea ang nasabing pagpapadala ng mga basura ng North Korea.