Ipinag-utos ng North Korea sa military units nito ang pagpapakawala ng mas marami pang artillery shells sa karagatan bilang tugon sa live-fire drills ng South korea at Amerika sa border.
Ito ay isang araw matapos na magpakawala ng mahigit 130 shells sa karagatan kung saan ilan dito ay bumagsak sa buffer zone malapit sa border nito sa South Korea.
Mariin ding kinondena ng North Korea ang joint exercises na provocative at patunay ng hostile policies ng South Korea at Amerika.
Ayon sa mga kaalyadong bansa ng South Korea at Amerika na mahalaga ang naturang drills para mapigilan ang nuclear-armed na North korea na naglunsad ng ilang serye ng missile test ngayong taon at naghahanda sa pagbabalik ng nuclear testing na kauna-unahang pagkakataon mula noong 2017.
Tinawag naman ng South Korea ang naging hakbang ng North Korea na paglabag sa 2018 inter-korean agreement na naglalayong mapahupa ang tensiyon sa pagitan ng dalawang bansa.