-- Advertisements --
Ibinunyag ng Japan at South Korea na nagsagawa ng missile test ang North Korea ng pinagbabawal na intercontinental ballistic missile (ICBM).
Ito ang unang paggamit ng North Korea ng ICBM mula pa noong 2017.
Ayon sa opisyal ng Japan na lumipad ng hanggang 1,100 kilometers ang nasabing missile at ito ay bumagsak sa karagatan ng Japan.
Ang ICBM aniya na ginawa para sa nuclear ay kayang umabot ang layo ng hanggang mainland US.
Dagdag pa ng mga opisyal sa Japan na isang umanong makabagong uri ang missile na ginamit ng mga North Korea kumpara noong nakaraang mga buwan.
Kinondina ng maraming bansa ang patuloy na missile test ng North Korea.
Magugunitang noong nakaraang mga buwan ay makailang beses n na ring nagsagawa ang North Korea ng missile test.