CENTRAL MINDANAO- Hinimok ni Kabacan Cotabato Mayor Herlo Guzman Jr ang mga kabakeƱo na huwag magpakampante.

Ito ay kasunod sa pagdeklara sa buong lalawigan ng Cotabato na maisasailalim sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) simula ngayong araw Hunyo 1 hanggang 15.

Ugaliin pa rin ang pagsuot ng facemask at mahigpit na pagpapatupad ng social distancing.

Base sa Executive Order 68 ni Cotabato Governor Nancy Catamco, mas magiging maluwag ang probinsya, ngunit inaatasan parin nito ang mga lokal na pamahalaan na magkaroon ng kanikanilang mga health protocol.

Kaugnay nito, isinasapinal na ng lokal na pamahalaan ng Kabacan ang kanyang municipal executive order kaugnay na rin sa MGCQ.