BACOLOD CITY – Pinaghahandaan na sa North California ang pabibigay tribute kay NBA legend Kobe Bryant.

Sa ulat ni Star FM Bacolod international correspondent Winston Sario, sinabi nito na kahit solid Golden State Warriors umano ang Northern California ay ikinalungkot din ang pagkamatay ni Bryant.

Aniya, may malaking respeto sila rito bilang isang manlalaro na may solid commitment at naging tapat sa LA Lakers sa gitna ng high money trading basketball game business.

Dagdag pa ni Sario na nasa Filipino market, Seafood City, Vallejo, California siya nang makumpirmang na nag-crash ang sinakyang eroplano ni Kobe Bryant, kung saan nasaksihan niya ang pagkabigla at pag-iyakan ng mga maraming Pinoy sa nalamang balita.