-- Advertisements --

Iginiit ng North Korea na nagkamali raw si US President Joe Biden sa kaniyang unang hakbang.

Nagsiwalat din nito ang kaniyang poot kaugnay sa ginawang pagpuna sa kanilang self-defensive missile test.

Ayon kay North’s ruling Worker’s Party’s Central Committee secretary Ri Pyong, ang ginawang missile test ng kanilang bansa ay bilang isang self-defensive test laban sa banta ng South Korea.

Aniya, hindi dapat maalarma si Biden dahil kasama nila ang Amerika sa kanilang joint military exercises at advanced weapons.

Kung maalala, naglunsad ang North Korea ng bagong tactical short-range ballistic missile noong Biyernes kung saan sinabi ni Biden na ang nasabing test ay nakalabag sa U.N. Security Council resolutions subalit nananatiling bukas naman siya sa diplomasiya sa pagitan ng Pyongyang.