-- Advertisements --

Inamin ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na maaaring makaapekto sa paglago ng ekonomiya ng Pilipinas ang posibleng pagbagal ng global economic activity dahil sa polisiya ng Amerika sa taripa at kasalukuyang tensiyon sa Middle East.

Ayon kay BSP Governor Eli Remolona Jr., maaaring makadagdag sa inflationary pressures ang pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo gayundin ang mga pagbabago sa singil sa kuryente at mas mataas na taripa sa bigas.

Bunsod nito, sinabi ng BSP na kailangan ng maigting na bantayan ang kasalukuyang mga bantang ito sa inflation bunsod ng geopolitical tensions at walang katiyakang external policy.

Samantala, ayon kay Remolona, posibleng magkaroon ng panibagong interest rate hike ng 25 basis points ngayong taon.

Noong Huwebes, ibinaba ng Monetary Board ang interest rates sa panibagong 25 basis point, na nagdala naman sa interest rates sa magdamag na deposito sa 4.75% habang sa lending facilities naman ay 5.75%.

Tiniyak naman ng Monetary Board na ipagpapatuloy nila ang pag-assess sa impact o epekto nito bago ang monetary policy adjustments.