-- Advertisements --

Kinumpirrma ng pamunuan ng Department of Transportation na pinag-aaralan na nila sa ngayon ang paglalagay ng busway sa España Boulevard hanggang Quezon Avenue route.

Ayon sa ahensya, pagbabatayan nilang modelo ay katulad ng modelo ng busway sa EDSA.

Sa isang panayam ay sinabi ni DOTr Secretary Vince Dizon , malaki ang kakulangan sa mga bumabyaheng bus sa lugar na pinaka kailangan ngayong ng mga estudyante.

Ayon sa kalihim, nagsasagawa na ngayon ng feasibility study na inaasahang matatapos hanggang sa susunod na taon.

Kumpyansa ang kalihim na tatlong operational stations ng Metro Manila Subway Project ay mag ooperate na bago matapos ang termino ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ibinahagi pa ng kalihim na limang major right-of-way issue ang naresolba na habang patuloy ang negosasyon sa dalawa pang natitira.