-- Advertisements --
Umakyat na sa walo ang bilang ng mga Pilipinong nasugatan sa missile strikes ng Iran sa Israel.
Ito ang kinumpirma ni Philippine Ambassador to Israel Aileen Mendiola ngayong Biyernes, Hunyo 20.
Ayon sa opisyal, isa pa rin ang nananatiling nasa kritikal na kondisyon na patuloy na ginagamot habang na-discharge na ang 7 iba pang Pilipinong nasugatan.
Sa ngayon, tumaas na rin sa 187 Pilipino ang humiling na ma-repatriate sa Pilipinas.
Ang unang batch ng repatriates na kinabibilangan ng 26 na Pilipino ay nakatakdang umalis ng Israel sa sunod na dalawa hanggang tatlong araw.
Sa datos ng embahada, mayroong 30,000 overseas Filipino workers sa Israel kabilang ang 1,333 na narepatriate na sa Pilipinas noong Hunyo 12.