Pumanaw na ang dating nobyo ni Bobbi Kristina Brown na si Nick Gordon.

Nangyari ang pagpanaw tatlong taon matapos na pumanaw si Bobbi Kristina Brown kung saan itinuturo itong siya ang nasa likod nito.

Sinabi ni Atty. Joe Habachy, legal counsel ni Gordon, na ikinalungkot nito ang pagkamatay ng 30-anyos na kliyente nito.

HIndi na nagbigay pa ng anumang detalye sa pagkamatay nito.

Inampon ni Whitney Houston si Gordon noong ito ay 12 anyos pa lamang at sabay na lumaki ang anak ng singer na si Bobbi Kristina Brown.
Nagkarelasyon ang dalawa noong 2012 matapos nag pagpanaw ni Whitney Houston.

Natagpuang walang buhay si Brown noong Enero 2015 at matapos ang anim na buwan ay namatay na ito.

Lumabas sa pagsusuri na drug overdose ang sanhi ng kamatayan ni Brown.

Bagamat walang kaso na isinampa kay Gordon ay nakitang responsable ito sa pagkamatay ni Brown sa pamamagitan ng isang civil case noong 2016 at pinagbabayad ito ng $36 million.