NAGA CITY – Kinumpirma ngayon ng kamag-anak ni Wilmer Pelaez nobyo ng namatay na si Bea Lusilo na nagdadalaang tao na ito.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Robin Parol Jr., sinabi nito na tatlong buwan ng buntis si Lusilo.

Sa hiwalay naman na panayam kay Restituto Parol, bayaw ni Pelaez sinabi nito na hindi alam ng nobyo na sumakay ng truck ang kanyang nobya.

Ayon sa kanya, hindi naman dapat kasama sa biyahe pauwi ang dalaga ngunit gusto lamang aniya nito na mag joyride.

Samantala, ayon kay Parol sa gitna umano ng aberya ng naturang sa sasakyan nagawa pang magsaya ng mga pasahero sa pag-aakalang hindi pa nagkakaproblema ang sinasakyan nilang truck.

Hanggang sa ibinangga na ng driver sa puno ng kahoy ang truck matapos itong mawalan ng preno at doon na tumilapon ang mga lulan nito na naging sanhi ng pagkamatay ng 13 katao kasama ang kanyang misis at ng nobya ng kanyang bayaw.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here