May hawak ng listahan si PNP chief Gen. Archie Francisco Gamboa sa mga pangalan ng mga gambling operators na nag-o-operate sa iba’t ibang rehiyon sa buong bansa.

Ayon kay Gamboa ipinasa na niya ang listahan sa mga regional police directors para gumawa na ng mga agresibong operasyon laban sa anumang uri ng mga iligal na sugal.

Sinabi ni Gamboa target sa operasyon ang mga bigtime gambling operators hanggang sa pinaka mababa.

Naniniwala din si Gamboa na may mga pulis na protektor ng mga iligal na pasugalan.

“Yes in the next few months heads will roll if you don’t follow my instructions, no take and you are not doing anything to stop illegal gambling. I have given the regional directors all the names forwarded to me by different sources and if you don’t do anything about it, you
will be answerable for in action. Marami and the peculiar for each different region. Merong regions na may provinces, merong region na buong region so all of these naman are identified. Yeah we are going against them. Kapag sinabi kong illegal gambling walang definition, walang ibang defintion, lahat ng illegal gambling from low to high,” pahayag pa ni Gen. Gamboa.

-- Advertisement --