-- Advertisements --

NAGA CITY- Supportado ng Department of Education (Deped bicol) ang tinutulak ngayon na polisiya na “no home work policy” sa senado.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Dr. Gilbert Sadsad Regional Director ng DEPED Bicol sinabi nito na una ng nagpahayag ng supporta sa nasabing polisiya si DepEd si Secretary Leonor Briones kahit wala pang malinaw na detalye.

Ayon kay Sadsad nakausap na nito ang proponent na si Rep. Evelina Escudero ayon dito layunin ng naturang polisiya dito ang na gawin na lamang sa mga paaralan ang learning session at ng mga mag-aaral.

Samatala ayon kay Sadsad, ang magulang na ang mayroong controll kung sa mga anak nito lalo sa pag-gamit ng gadget.

Dapat naman umanong magkaroon ng oras ang mga magulang na bantayan ang kanilang mga anak.

Dagdag pa nito malaking tulong at bawas din ito sa trabaho ng mga guro.