-- Advertisements --

Pinagbawalan ng DILG ang local chief executives na magpatupad ng “no ayuda policy” sa quarantine violators.

Ito ang naging pahayag ni Interior Usec. Jonathan Malaya, matapos magpa-iral ng kahalintulad na patakaran si Biñan City Mayor Arman Dimaguila.

Giit kasi ni Dimaguila, kailangan nilang gamitan ng kamay na bakal ang mga kababayan nilang hindi sumusunod sa batas.

Hindi na raw kasi kaya ng Biñan, Laguna madagdagan pa ang mga kaso ng COVID sa kanilang lugar, lalo’t nangangamatay na ang ilan sa kanilang mga pasyente sa labas ng ospital dahil full capacity na ang mga pagamutan.

Pero giit ni Usec. Malaya, hindi maaaring harangin ng sinuman ang ayuda, dahil labag ito sa batas.

Kung gusto raw ng local chief executives na magpataw ng multa, saka na lang ito singilin sa violators, pagkatapos maibigay ang ayuda.

Gayunman, P1,000 lamang ang ayuda, habang ang multa sa violators ay umaabot ng hanggang P5,000.