-- Advertisements --

Mananatili muna sa puder ng Pilipinas ang US Navy-Marine Expeditionary Ship Interdiction System (NMESIS) para pansamantalang gamitin sa mga susunod na pagsasanay ng militar at ng Philippine Marine Corps.

Ayon kay Philippine Navy Spokesperson Capt John Percie Alcos, sasamantalahin ng Marine Corps ang pananatili ng NMESIS sa bansa para sa mga military exercises upang mas maging maayos at mapalaks pa ang pagsasagawa ng mga combined operations kasama ang iba pang mga counterparts mula sa iba pang hanay.

Ayon pa sa tagapagsalita, malaking tulong din ang sistema ng NMESIS sa pagtukoy ng mga amphibious landings sa mga katubigan ng bansa.

Kasunod nito paliwanag pa ni Alcos, ang presensya naman ng naturang sistema sa bansa ay tinatayang mapaminsala para sa mga foreign entities na magsasagawa ng mga iligal at agresibong gawain kontra sa Pilipinas at hindi nmaituturing na isang banta laban sa China.

Sa kabilang banda naman ay hanggat walang nakikitang panganib o banta sa seguridad ng bansa ay nanatiling isang equipment na ginagamit sa mga trainings ang NMESIS.

Samantala, nauna na dito ay nagamit ang ang sistema nitong Abril para naman sa Balikatan Exercises at sa naging Kamandag Exercises nitong nakalipas na buwan ng Mayo.

Nilinaw naman ng Philippine Navy na hindi dahil sa sama ng panahon kaya inilagay sa simulated firing exercises ang paggamit sa NMESIS na dapat sana ay isang live-fire exercises dahil naman sa safety concerns nito.