-- Advertisements --

Nalusutan ng NLEX Roadwarrios ang Phoenix Super LPG 114-108 sa kanilang overtime game sa 2022 PBA Philippine Cup.

Naging bida sa panalo si Calvin Oftana na nagtala ng 22 points, 10 rebounds at pitong assists habang mayroong 21 points si JR Quinahan.

Ayon kay NLEX coach Yeng Guiao na naging sulit ang game plan nila kung saan pinaghandaang mabuti ng kaniyang manlalaro ang nasabing laro.

Mayroon ng apat na panalo at dalawang talo ang NLEX habang mayroong dalawang panalo at limang talo ang Super LPG.