-- Advertisements --
Pinahiya ng NLEX RoadWarriors ang Rain or Shine Elasto Painters 96-90.
Ito ang unang panalo ng NLEX sa pagbabalik ng kanilang dating coach Yeng Guiao sa koponan nitong Painters.
Bumida sa panalo ng NLEX Earl Clark na mayroog 26 points at 14 rebounds habang mayroong 18 points si Justin Chua at 15 points ang naitala ni Kevin Alas.
Sinabi ni Road Warriors interim coach Adonis Tierra na naging mahirap ang laro nila subalit labis siyang nasiyahan dahil sa pag-level up ng kaniyang mga manlalaro.
Magugunitang bumalik sa Rain or Shine coaching si Guiao matapos ang anim na taong pagiging coach ng NLEX.