-- Advertisements --

Naipuwersa ng NLEX Road Warriors sa do-or-die game sa best of three quarterfinals nila ng Magnolia Hotshots 90-77.

Bumida sa panalo ng NLEX si Kevin Alas na nagtala ng 30 points sa laro na ginanap sa FilOil Arena sa San Juan City.

Mula sa simula ng laro ay hawak ng NLEX ang kalamangan at hindi na hinayaan pa na lumamang pa ang Hotshots.

Pinuri naman ni NLEX coach Yeng Guiao ang kaniyang mga manlalaro dahil sa nakayanan nilang manalo kahit labis ang pressure na napagdaanan nila.