Itinuturing na bayani ng NLEX Road Warriors import KJ McDaniels sa overtime time win nila laban sa NorthPort 120-115.
Umabot kasi sa 40 points, 15 rebounds, anim na assists at talong blocks nito para maitala ng NLEX na dalawang 2-0 win-loss record sa pagsisimula ng 2021 PBA Governors’ Cup sa Ynares Arena sa Pasig City.
Nagdagdag naman ng 21 points si Kevin Alas.
Hawak ng NLEX ang 84-75 na kalamangan sa last quarter hanggang inilunsad ng NorthPort ang 16-2 run para tuluyang maitala ng 91-86 na kalamangan.
Umarangkada na sa last quarter si Alas kung saan pasok ang kaniyang mga three points at para madala sa 102-all ang laro.
Pagsapit ng overtime ay hindi na hinayaan pa ng import ng NLEX na makalamang pa ang NorthPort at sinagot ang bawat pasok na basket ng nakaharap na koponan.