-- Advertisements --
image 190

Binigyan umano ng mataas na grado ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa huling critical assessment on transportation security ng ahensiya sa Estados Unidos.

Kinumpirma ni US Ambassador to the Philippines Marykay Loss Carlson ang “satisfactory findings” ng United States-Transportation Security Administration (US-TSA) sa NAIA nang makipagkita ito kay Transportation Secretary Jaime Bautista.

Bago ito, noon pang July 2019, ay nagsimula na ang US-TSA sa pagkakaroon ng partnership sa Office of Transportation Security (OTS) sa ilalim Manila International Airport Authority upang palakasin ang aspeto ng seguridad sa pangunahing paliparan ng Pilipinas.

Liban kay Ambassador Carlson ang US-TSA attaché Robert Rouland ay ipinaliwanag din nito ang pagpasa ng NAIA at ng Philippine Airlines na bumabiyahe sa Amerika sa security assessment.