CAUAYAN CITY – Pinaalalahanan ang mga mamamayan malapit sa ilog magat dahil simula mamayang alas kwatro ng hapon ay magpapalabas ng tubig ang pamunuan ng NIA-MARIIS mula sa Magat Reservoir upang mapanatili ang ligtas na lebel ng tubig.
Ayon sa NIA-MARIIS, ang pagpapakawala ng tubig sa dam ay dahil sa lumakas na weather system sa Magat Watershed na sanhi ng isolated thunderstorms na dala ng Northeast Monsoon o Amihan.
Aabot sa 200 cubic meters per second ang papakawalang tubig at maaaring madagdagan depende sa lakas ng ulan sa watershed areas.
Pinapayuhan ang lahat na iwasan ang pagtawid o pamamalagi sa tabi ng ilog dahil mapanganib.
Pinaaalalahanan din ang mga may gamit at alagang hayop na malapit sa ilog na dalhin ang mga ito sa ligtas na lugar.