-- Advertisements --

Nagpaabot ng pakikiramay ang National Historical Commission of the Philippines (NHCP) sa mga naapektuhan ng mapaminsalang 7.0 magnitude na lindol sa Northern Luzon.

Ayon kay NHCP Chairman Dr. Rene Escalante, ipauubaya muna nila sa mga lokal na pamahalaan ang pagtugon sa mga pangangailangan ng mga residente sa kani-kanilang lugar.

Sa oras na humupa na ang mga pagyanig, susubukan naman nila, sa tulong ng ibang ahensya ng pamahalaan, na i-rehabilitate ang mga historic sites at structures.

Gayunman, mas pinahahalagahan pa rin umano nila ang kaligtasan ng lahat, kaya malaki ang pagsasa-alang-alang nila sa mga susuri sa mga nawasak na gusali at landmarks.

“The NHCP will join the Board of Commissioners’ Meeting of the National Commission for Culture and the Arts (NCCA) tomorrow, 28 July 2022, to discuss the action plan of the cultural agencies and its affiliates in the restoration and rebuilding plans of these heritage properties,” saad ng abiso mula sa NHCP.