-- Advertisements --
image 173

Napagkasunduan ng National Housing Authority (NHA) at Technical Education and Skills Education Development Authority (TESDA) na magtulungan para pagbuo ng mga programang pangkabuhayan sa mga benepisyaryo ng pabahay.

Ito ay matapos na pirmahan ng dalawang ahensiya ang isang Memorandum of Agreement (MOA) na magtataguyod sa livelihood program ng mga benepisyaryo.

Sa ilalim ng naturang kasunduan, magbibigay ang TESDA ng mga pagsasanay at iba pang programa para sa mga benepisyaryo ng libreng pabahay.

Sa pamamagitan nito, maaaring makapasok bilang skilled workers ang mga benepisyaryo, o kung hindi man ay bumuo ng sariling pagkakakitaan.

Ang naturang programa ay bilang tugon na rin sa naunang direktiba ni PBBM na mabigyan ng sapat na pagkakakitaan ang mga benepisyaryo, at hindi lamang ang libreng pabahay.

Pagtitiyak ng TESDA na ilalapit din nito ang mga benepisyaryo na matagumpay na sumailalim sa kanilang mga pagsasanay.