-- Advertisements --
DoE 032818 2

Hindi pabor ang Department of Energy na bawiin ang prangkisa ng National Grid Corporation of the Philippines.

Iginiit ni Energy Undersecretary Sharon Garin na kailangang suriing mabuti ang prangkisa ng nag-iisang power grid operator ng bansa.

Sinabi ni Garin na kailangang palakasin ang awtoridad ng gobyerno sa entidad para sa supply ng kuryente.

Idinagdag din niya na ang prangkisa umano na ibinigay sa NGCP ay “mapagbigay” dahil aniya, ang tax lang ng nasabing korporasyon ay 3%.

Dagdag dito, hindi umano gusto ni Garin na magkaroon ng isa pang entity na magpapatakbo ng power grids ng ating bansa na kung saan mas makakatipid ang pamahalaan kung isang grid lamang ang magpapatakbo ng kuryente sa Pilipinas.

Kaugnay niyan, nagpahayag ng pagkabahala ang mga senador sa posibleng impluwensya ng dayuhan at mga kahinaan sa seguridad sa NGCP.

Una na rito, ang mga isyung ito ay itinaas dahil ang NGCP ay bahagyang pag-aari ng China.