Reading Time: 2 minutes
antonio brown taylor

Lumutang ngayon ang babaeng trainer na si Britney Taylor upang akusahan ang Patriots wide receiver na si Antonio Brown na nanggahasa sa kanya.

Kinasuhan ni Taylor ang NFL superstar ng rape at dalawang insidente ng sexual assault sa isinampang federal lawsuit sa Florida.

Si Taylor ang siyang dating nagti-train kay Brown, na ngayon ay bahagi na ng New England matapos na bitawan ng Oakland Raiders.

Si Brown na itinuturing na highest paid wide receiver sa National Football League ay tinanghal na four-time first-team All-Pro sa kanyang 10 taon sa NFL season.

Ayon sa kanyang dating trainer dalawang beses daw siyang nakaranas ng sexual assault noong June 2017 at ginahasa naman siya noong May 2018.

Bilang reaksiyon agad na naglabas ng statement ang abogado ni Brown at sinabing kung meron mang naganap daw na sexual acts ito ay consensual dahil sa kanilang umiiral na personal na relasyon.

“Thereafter, the accuser engaged Mr. Brown in a consensual personal relationship. Any sexual interaction with Mr. Brown was entirely consensualm,” giit pa ng abogado. “Mr. Brown, whose hard work and dedication to his craft has allowed him to rise to the top of his profession, refuses to be the victim of what hebelieves to be a money grab.”

antonio brown
Patriots wide receiver Antonio Brown

Nagbanta pa ang player na maghahain din ng kontra demanda.

“I have found strength in my faith, my family, and from the accounts of other survivors of sexual assault. Speaking out removes the shame that I have felt for the past year and places it on the person responsible for my rape,” ani Taylor sa isang statement. “I will cooperate with the NFL and any other agencies; however, at this time, I respectfully request that the media please respect my privacy.”