Pumanaw na ang legendary American football star Jim Brown sa edad na 87.
Kinumpirma ito ng kaniyang asawang si Monique kung saan binawian siya ng buhay sa kanilang bahay sa Los Angeles.
Hindi na binanggit pa ng asawa kung ano ang ikinamatay ng football star.
Si Brown ay sumikat sa NFL mula 1950 hanggang 1960 ng maging bahagi ng Cleveland Browns.
Makailang beses na rin itong nakakuha ng Most Valuable Player awards bago nagretiro sa edad na 30.
Matapos ang pagreretiro ay pumasok siya sa pag-aartista at itunuon ang atensiyon sa civil rights movements.
Taong 1971 ng ma-induct si Brown sa Pro Football Hall of Fame.
Mayroong record rush siya ng 12,312 yards at siyam na Pro Bowls NFL champion noong 1964 at noong final season ay nakagawa ito ng career-high na 1,544 yards na rush.
Unang pelikula na ginawa niya ang “Rio Conchos” noong 1964 at lumabas ng mahigit 50 na pelikula at television projects.