-- Advertisements --

Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) sa mga magsasaka na mananatiling operational ang mga bodega ng National Food Authority (NFA).

Ito ay kahit na may kinakaharap na kontrobersiya ang NFA gaya ng pagkakasuspendi ng Ombudsmas sa 141 NFA officials dahil sa iligal na pagbenta umano ng 75, 000 sako ng bigas sa pribadong kumpanya.

Sinabi ni DA Spokesperson Assistant Secretary Arnel De Mesa na may mga trucks silang itinalaga sa mga isinarang bodega.

Umiikot umano ang mga trucks para bumili ng sa mga magsasaka para hindi matigiil ang pangako ng DA na magkaroon ng sapat na suplay ng bigas ngayong panahon ng anihan.