-- Advertisements --

Tiniyak ng National Food Authority (NFA) na mayroong sapat na suplay ng bigas ang bansa lalo ngayong panahon ng krisis sa Gitnang Silangan.

Ayon kay NFA Administrator Larry Lacson na sa kasalukuyan ay mayroong 8 milyon na bags ng bigas ang bansa na kayang tumagal ng hanggang 10.3 araw.

Habang ang 2 milyon bags naman ang nakahanda ng ipamahagi.

Giit pa nito na ang mga lugar na mayroong malaking suplay ng bigas ay kayang tumulong para madaggdagan ang stocks sa ibang lugar.

Para matiyak din na mayroong sapat na suplay ng bigas ang bansa tuwing panahon ng kalamidad at emergencies ay hindi inilalaan ng NFA ang lahat ng stocks sa P20 kada kilo na bigas program.