-- Advertisements --
Humingi nang paumanhin sa mga biktima ng pang-aabuso si Cardinal John Dew, ang Roman Catholic archbishop ng Wellington and Metropolitan of New Zealand.
May kaugnayan ito sa mga naganap na pang-aabuso sa isang faith-based institution sa tinaguriang Abuse in Care Inquiry.
Bumuo rin ng Royal Commission si New Zealand Prime Minister Jacinda Ardern na mag-iimbestiga sa umano’y mga naganap na pang-aabuso ng ilang mga opisyal ng simbahan.
Nakatakda ring maglabas ang Royal Commission ng kanilang rekomendasyon sa gobyerno sa mga susunod na buwan.