-- Advertisements --

Kinuwestiyon ni dating Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang patuloy na paggamit ng Office of the Ombudsman sa mga testigong aniya’y nadiscredit na at nahaharap na sa kasong cyberlibel at perjury kaugnay ng imbestigasyon sa flood control controversy.

Ayon kay Romualdez, pantay na hustisya lamang ang kanyang hinihingi.

Iginiit ng kongresista na hindi patas ang paggamit sa mga testigong ito upang idiin siya, sa kabila ng mga naunang pahayag at kasong isinampa laban sa kanila. 

Aniya, ang ganitong hakbang ay nagbubukas ng tanong kung patas at walang kinikilingan ang isinasagawang imbestigasyon.

Iginiit din ni Romualdez na haharapin niya ang proseso at hindi siya uurong sa laban.

Samantala, sinabi ng Department of Justice (DOJ) na naghain ito ng mga kasong cyberlibel at perjury laban sa 18 dating bodyguard ng puganteng dating kongresista na si Zaldy Co at sa kanilang abogado na si Levito Baligod sa apat na Regional Trial Courts sa Metro Manila.