-- Advertisements --

Itinanggi ni New York City Mayor Eric Adams ang alegasyon ng sexual assault laban sa kaniya.

Lumantad kasi ang isang babae sa korte para ireklamo ang alkalde ng tangkang panggagahasa.

Nangyari umano ang insidente noon pang 1993 kung saan kapwa sila nagtatrabaho sa New York City.

Sinabi ni Adams na wala siyang naaalala na nagkakilala sila ng biktima.

Ang nasabing kaso ay inihain sa ilalim ng New York state’s Adult Survivors.

Ginawa ng estado ang nasabing batas para sa mga survivors ng sexual misconductt na layon na masampahan ng kaso ang mga inaakusahan.

Kabilang nasa mga nakasuhan dahil sa nasabing batas ay sina dating US President Donald Trump at film producer Harvey Weinstein.