alec baldwin Rust
Hollywood actor Alec Baldwin on the movie set "Rust" (photo: Jim Weber )
-- Advertisements --

Nakakita ang mga kapulisan sa New Mexico ng ebidensiya na binigyan ng baril na mayroong live ammunition ang actor na si Alec Baldwin.

Ayon kay Santa Fe County Sheriff Adan Mendoza, nakakita sila ng 600 piraso ng ebidensiya na may kaugnayan sa kanilang imbestigasyon.

Nakita rin nila ang projectile na tumama sa sugatang film director na si Joel Souza.

Sa ngayon ay hindi pa rin natatapos ang kanilang imbestigasyon at patuloy ang pakikipagtulungan ng actor na si Alec Baldwin.

Magugunitang aksidenteng napatay ni Baldwin ang cinematographer na si Halyna Hutchins habang sugatan si Souza matapos na bigyan ang actor ng baril na mayroong live ammunition sa movie set na “Rust”.

-- Advertisement --