Naghahanda na ang northeast region ng US na New England sa pagtama ng Tropical Storm Henri.

Ito aniya ang kauna-unahang hurricane na dadaan sa nasabing rehiyon sa loob ng 30 taon.

Ayon sa US National Hurricane Center na inaasahang maging hurricane ang nasabing bagyo.

Nakasentro itong tatama sa New England kabilang ang Cape Cod.

Pinayuhan na ni Massachussets Governor Charlie Baker ang mga bakasyonista sa Cape na lumikas na bago pa dumating ang bagyo.

Babala pa ng National Weather Service na magiging mapaminsala ang nasabing bagyo.

Tinatayang mayroong mahigit 100 kilometers per hours ang lakas ng hanging ng paparating na bagyo.