-- Advertisements --

Nagtala ng franchise record 91 points sa first half ang Brooklyn Nets.

Sila na ang pangatlong pinakamataas sa kasaysayan ng NBA matapos na tambakan nila ang defending champion na Golden State Warriors 143-113.

Unang may hawak ng record ang Phoenis Suns na mayroong first half points record na 107 laban sa Denver Nuggets noong 1990 na sinundan ng Warriors na mayroong 92 points sa first half laban sa Chicago Bulls noong 2018.

Nagtala ng 23 points sa first half lamang si Kevin Durant at mayroon pang pitong rebounds at limang assiss.

Siyam sa 12 mga manlalaro ng Nets din ang nagtala ng double figures na isang panibagong franchise record.

Hindi naman nakapaglaro si Kyrie Irving dahil sa nagtamo ito ng calf injury.

Ito na rin ang pangalawang pagkakatambak na talo ng Warriors na magkasunod na ang una ay nitong Martes ng tambakan sila ng New York Knicks ng 38 points.

Naging malaking hamon kasi sa Warriors ang laban dahil sa kawalan ng ilang manlalaro nito gaya nina Stephen Curry, Klay Thompson at Andrew Wiggins.

Nasa pang-11 na puwesto ang Warriors sa Western Conference na mayroong record na tatlong panalo at 16 na talo na siyang itinuturong na masamang road record sa NBA ngayong season.