Tinanggal na ng Brooklyn Nets ang kanilang head coach na si Steve Nash.
Kasunod ito sa mahinang performance ng Nets sa pagsisimula ng bagong season ng NBA.
Naging kuwestiyonable na ang kaniyang posisyon ng talunin sila ng Indiana Pacers sa kanilang sariling court 125-116.
Mayroong dalawang panalo at limang talo na kasi ang Nets at sila ay nasa pang-12 puwesto sa Eastern Conference.
Sinabi ni Nets general manager Sean Marks na ang desisyon ay napagpasyahan ng mga matataas na opisyal ng koponan.
Pinasalamatan naman ni Nets owner Joe Tsai ang Canadian coach dahil sa kontribusyon nito sa koponan.
Ang 48-anyos na si Nash ay ay kinuha ng Nets bilang head coach noong Setyembre 2020.
Na-sweep sila ng Boston Celtics 4-0 sa unang round ng playoffs noong nakaraang season.
Siya ay isan NBA Hall-of-Famer at two-time NBA Most Valuable Player.
Lubos naman ang pasasalamat ni Nash sa pagkuha sa kaniya ng koponan para maging coach.