-- Advertisements --

Sinisi ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu ang Hamas dahil sa pagtanggi sa mga inihahain nilang proposal para mapalaya ang mga bihag nila mula pa noong Oktubre 7.

Ito ang naging kasagutan ni Netanyahu matapos maglunsad ng kilos protesta ang mga kaanak ng mga bihag ng Hamas.

Sinabi pa ni Netanyahu na ang Hamas ay siyang dahilan kung bakit nagkakahiwalay sila.

Magugunitang mayroong pang 133 na Israeli ang hawak ngayon ng Hamas mula ng umatake sila sa Israel noong Oktubre 7.