-- Advertisements --
Patuloy ang pagpapagaling ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu matapos umano na ma-food poison.
Ayon sa kampo nit na biglang nagkatrangkaso ang 75-anyos na si Netanyahu matapos makadama ng intestinal inflammation at dehydration.
Dahil dito ay sumasailalim na ito sa gamutan sa pamamagitan ng pagtanggap ng intravenous fluids.
Pinayuhan din ito ng kaniyang doctor na magpahinga muna ng ilang araw habang ito ay nagpapagaling.
Magugunitang noong 2023 ay nilagyan na ng pacemaker si Netanyahu at nong Disyembre ng nakaraang taon ay tinanggal din ang kaniyang prostate matapos na ma-diagnosed ng urinary tract infection.